Ang Saya Maging Estudyante

Napakaswerto kong nilalang dahil nakakapasok ako sa eskwela. Maraming tao sa ating bansa ang hindi nakakapag-aral. Iba’t-iba ang rason pero kadalasan ay dahil sila ay walang pera, masyadong malayo ang tinitirahan nila sa siyudad o di kaya naman ay kailangan nilang tumulong sa kanilang magulang na magtrabaho.

Mahirap nga talaga ang buhay ng pinoy. Kaya sa inyong mga bata na pilit pinagaaral ng kanilang magulang, matuto naman sana kayong gumalang at seryosohin ang inyong mga gawain sa eskwelahan.

Hindi biro ang magpaaral ng bata. Magastos ito. Araw-araw kailagan mo gumising ng mas maaga para paglutuan sila, tapos bibigyan mo pa ng baon. Yung iba diyan hatid-sundo pa. Tapos kapag tinanong kayo ng tatay nyo kung ano ang itinuro nila sainyo ngayong araw, ang maisasagot ninyo lang ay “ahh ehh hindi ko alam ‘tay”. Ang galing diba?

Matuto kayong mahiya sa inyong magulang. Hindi yung nagiging mabait lang kayo kapag mayroon kayong kailangan. Hindi ganun. Kung gustomo na seryosohin ka ng iyong magulang, matuto kang gumalang sa lahat ng oras.

Maraming mga bagay na hindi ninyo pa naiintindihan dahil masyado pa kayong bata. Pero laging tandaan, na kahit akala mo na habang-buhay ka magiging bata, ilang pikit lang, pag gising mo 30 kana. Alam ko na mahirap ito paniwalaan. Pero napaka bilis ng panahon. Isipin mo, kelan lang nag pasko at bagong taon diba? Well itong sasabihin ko ngayon ay para mas mainis kapa. Ngayong araw ay March 30, bakasyon mo na diba? Alam mo ba na 63 days nalang ay June 1 na? Akala mo mahaba ang bakasyon mo? ilang lunes lang, pasukan mo nanaman. Ayos ba?

Tulad ng sinasabi ko, wag maging mayabang sa magulang. Dahil magugulat ka nalang, kuya o ate nadin ang tawag sayo. At kapag wala kang pinagaralan, wala kang mukang maihaharap sa mga tao. Magtiwala ka saken, wag mo sayangin pag-aaral mo. Para sayo din yan.