Talumpati Tungkol Sa Ekonomiya

maikling talumpati tungkol sa ating ekonomiya ipaliwanagMalamang sawa na kayo sa paulit-ulit na pagkakarinig ninyo sa salitang ekonomiya. Hindi ba paulit-ulit itong nababanggit sa balita? Ngunit ano ng aba ito, at bakit ba natin ito dapat bigyan ng halaga?

Ang pangkalahatang pangkabuhayan ng isang bansa ay tinatawag na ekonomiya. Ekonomista ang tawag sa mga tao na dalubhasa sa mga aralin at usaping pang-ekonomiya.

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa Timog Silangan ng Asya na kasalukuyan pa lamang na umuunlad. Katulad ng ating mga karatig-bansa sa Asya, agrikultura ang pangunahing pangkabuhayan ng bansa natin.

Kung nabibigyan lang sana ng sapat na pondo at pag-aaral ang sektor ng agrikultura sa ating bansa ay makakatulong ito ng labis sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Kung ating bibigyan ng malalim na pagsusuri ang aspeto ng ekonomiya sa ating bansa, malayo na sana ang ating narating. Napakalaki ng buwis na ipinapataw sa ating mga mamamayan, buwis na sana ay napakikinabangan natin.
Ngunit taliwas sa tunay na mithiin ng pagbayad ng malaking buwis, ito ay napupunta lamang sa bulsa ng mga ilang tiwaling opisyal ng ating pamahalaan.

SEE ALSO:  Talumpati Tungkol Sa Wika

Talamak ang korupsyon sa ating bansa. Hindi ba’t paulit-ulit nating naririnig ito sa mga balita? Ang malala pa ay nangyayari ito sa iba’t-ibang sektor ng ating pamahalaan.

Bagamat sinusubukan sugpuin ng ating gobyerno ngaun ang korupsyon, hindi linggid na unti-unti pa ring bumabagsak ang interes ng mga dayuhan para mamuhunan sa atin. Ito rin ang isa sa mga pinakamatinding dahilan kung bakit ang ekonomiya natin ay naghihingalo.

SEE ALSO:  Korapsyon

mahabang talumpati tungkol sa ekonomiya tagalog halimbawaAng mga balitang pag-unlad at pag-angat ng ating pandaigdigang ekonomiya ay mistulang palamuti na lamang sa mga pahayagan. Pilit man itong ipaunawa sa atin ay sadyang napakahirap intindihain. Kahit saan ka mapapadpad, talamak pa rin ang kahirapan. Tumataas pa rin ang krimen, dala pa rin ng kahirapan sa buhay. Hirap at sadsad pa rin ang ating ekonomiya.

Bilang isang ordinaryong juan ng ating lipunan, gawin nating makabuluhan at produktibo ang ating mga buhay. Tulungan natin ang ating mga sarili. Gumawa tayo ng ating sariling ekonomiyang pangkabuhayan.

Kung hindi ito maibigay sa atin ng pamahalaan, tayo ang kumilos para ito ay ating tunay na makamtan at maramdaman para sa ating sariling kapakanan.