Noon pa man, talagang manghang-mangha na ako sa mga piloto ng eroplano. Para sa akin, ito na ang pinaka magandang trabaho sa buong mundo. Sino nga naman ba ang aayaw?
Meron kang malupit na uniform, mataas ang iyong sweldo, araw-araw kang makakapunta sa iba’t ibang lugar sa mundo. Para bang binabayaran ka nila para magbakasyon. Ngayon, sino nga ba naman ang aangal pa doon?
Ambisyon ko sa buhay ito. Madalas akong tumingin sa malayo habang naglalakad (pero siyempre nag-iingat sa pagtawid) at iniisip, paano kaya kung maging piloto talaga ako? Napakasarap siguro nun. Mas masarap pa kesa sa jabee.
Pwede akong mag-almusal sa Japan at mag-dinner sa Dubai. Wow diba? Sana nga talaga makamit ko iyon. Wala na iba pang magpapasaya sa akin kundi maging isang piloto ng eroplano.
Dito sa ating bansa, kung saan sikat ang wika ng mga Pilipino, hindi padin nawawala ang pagiging proud sa iyo ng magulang mo kapag nakakuha ka ng magandang trabaho.
Mataas ang sweldo ng mga piloto. Kahit hindi ka international na lumilipad, talaga nganamang isang damak-mak ang salapi na iyong makukuha.
Hindi lahat ng tao nabubuo ang kanilang pangarap. Tulad nga ng sabi dati ni Jeff, eh hindi niya alam na ganoon lang talaga ang pag-ipon ng gamit.
Pero naiisip ko din, paano yun kapag meron na akong sariling pamilya?? Hindi ko sila makikita palagi. Walang kasama ang aking asawa sa pagpapalaki sa amin mga poging anak. Pano na yun? Eh hindi ko naman sila pwedeng dalhin kung saan-saan dahil hindi ito normal para sa mga magiging anak ko.
Hindi ko din makakasama ang aking sariling mga magulang habang sila ay nabubuhay pa dito sa mahal kong Pilipinas.
Hindi din talaga lahat ng bagay ay puro positive lang. Kailagan natin timbangin ang mga positibo sa mga negatibong aspekto ng bawat pagpapasya natin sa ating buhay.