Bago pa man ako makipaglaro sa mga kaibigan ko, kailangan ko muna labahan ang aking mga damit. Kadalasan ay ako din ang maghuhugas ng plato. Wala akong magawa dahil yan ang utos ng aking pamilya.
Sa Umaga
Pagka gising ko, sipilyo kagad. Tapos nood ng tv habang naaamoy ko ang almusal na niluluto ni nanay. Sabado ngayon so syempre mas marami at mas masarap ang almusal. Kasi hindi nagmamadali. Paborito ko kapag daing ang niluluto eh. After ng almusal, ako na ang maghuhugas ng mga plato. Tapos non, manonood ulit ng konting tv bago tumulong mag linis ng garahe.
Minsan nag puputol din ako ng mga sanga ng puno pero hindi naman palage. Maya-maya ay maririnig ko na ang tawag nila Gerald sa pangalan ko. Oras na para maglaro! Wala naman kami masyadong ginagawa dahil wala rin kaming mga pera. Pero, kapag bata kapa, ang imahinasyon mo ay napakalawak. At kahit na mga laruan na sira-sira na, kaya mo padin gawan ng istorya.
Ilang oras ay maririnig ko naman ang tawag ni inay, oras na para kumaen ng tanghalian. Kadalasan ay pritong manok ang pagkain namin kapag sabado. Busog ako palagi.
Dumating ang hapon ay oras na para gawin ang aking mga takdang aralin. Nagtatagal ako sa pag sagot ng ekonomiks ko, dahil mahirap alamin ang kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa. Kaya nagpapatulong ako kay tatay. Malupit sa mga ganitong bagay yun eh.
Ilang oras pa na paglalaro, pero this time, marami na kami. Naglalaro kami ng patintero. Gamit ang iba’t ibang kulay ng chalk na pang marka sa daanan. Masaya ito talaga. Sali ka?
Maririnig ko nanaman ang tawag ni inay para kumain ng gabihan. Kadalasan ay isda, si tatay ang nag-iihaw kapag ganun. Alam ni inay na paborito ko ang bangus kaya palaging meron ulam na bangus.
Masaya ang aking sabado palagi. Sana wag ito magbago.