Talumpati Tungkol Sa Ekonomiya

Sa ekonomiya nakasalalay kung anong uri ng pamumuhay ang matitikman ng mga mamamayan. Importanteng panatilihin ang pamamayagpag ng ating ekonomiya upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang susunod na henerasyon.

Sana ay magustuhan po ninyo ang aming mga inihandog sa inyo na talumpati. <3

Malalim Ang Bulsa

by: Talumpati.info

Malamang sawa na kayo sa paulit-ulit na pagkakarinig ninyo sa salitang ekonomiya. Hindi ba paulit-ulit itong nababanggit sa balita? Ngunit ano ng aba ito, at bakit ba natin ito dapat bigyan ng halaga?

Ang pangkalahatang pangkabuhayan ng isang bansa ay tinatawag na ekonomiya. Ekonomista ang tawag sa mga tao na dalubhasa sa mga aralin at usaping pang-ekonomiya.

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa sa Timog Silangan ng Asya na kasalukuyan pa lamang na umuunlad. Katulad ng ating mga karatig-bansa sa Asya, agrikultura ang pangunahing pangkabuhayan ng bansa natin.

Kung nabibigyan lang sana ng sapat na pondo at pag-aaral ang sektor ng agrikultura sa ating bansa ay makakatulong ito ng labis sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Kung ating bibigyan ng malalim na pagsusuri ang aspeto ng ekonomiya sa ating bansa, malayo na sana ang ating narating. Napakalaki ng buwis na ipinapataw sa ating mga mamamayan, buwis na sana ay napakikinabangan natin.
Ngunit taliwas sa tunay na mithiin ng pagbayad ng malaking buwis, ito ay napupunta lamang sa bulsa ng mga ilang tiwaling opisyal ng ating pamahalaan.

Talamak ang korupsyon sa ating bansa. Hindi ba’t paulit-ulit nating naririnig ito sa mga balita? Ang malala pa ay nangyayari ito sa iba’t-ibang sektor ng ating pamahalaan.

Bagamat sinusubukan sugpuin ng ating gobyerno ngaun ang korupsyon, hindi linggid na unti-unti pa ring bumabagsak ang interes ng mga dayuhan para mamuhunan sa atin. Ito rin ang isa sa mga pinakamatinding dahilan kung bakit ang ekonomiya natin ay naghihingalo.


Ang mga balitang pag-unlad at pag-angat ng ating pandaigdigang ekonomiya ay mistulang palamuti na lamang sa mga pahayagan. Pilit man itong ipaunawa sa atin ay sadyang napakahirap intindihain.

Kahit saan ka mapapadpad, talamak pa rin ang kahirapan. Tumataas pa rin ang krimen, dala pa rin ng kahirapan sa buhay. Hirap at sadsad pa rin ang ating ekonomiya.

mahabang talumpati tungkol sa ekonomiya tagalog halimbawaBilang isang ordinaryong juan ng ating lipunan, gawin nating makabuluhan at produktibo ang ating mga buhay. Tulungan natin ang ating mga sarili. Gumawa tayo ng ating sariling ekonomiyang pangkabuhayan.

Kung hindi ito maibigay sa atin ng pamahalaan, tayo ang kumilos para ito ay ating tunay na makamtan at maramdaman para sa ating sariling kapakanan.

Para Sa Ekonomiya!

by: Talumpati.info

“Para sa ekonomiya!” Isa sa mga usong kataga ngayon kapag lagari ka sa iyong gawain para kumita ng pera. Biro man ito para sa ilan, isang malaking katotohanan naman ito para sa isang bansa.

Kailangan ng ating ekonomiya ang masisipag na mamamayan. Ito ang nagsisilbing gasolina nang maayos na pagdaloy ng kabuhayan ng isang bansa o sa madaling sabi ay ekonomiya.


Kailangan nating kumilos para umunlad ang bayan. Kailangan nating magbanat ng buto para sa maayos na kita at maayos na daloy ng pananalapi sa bansa.

Kinakailangan din nating maging disiplinado sa ating bawat kilos dahil isa rin itong batayan kung magiging mabunga o papalubog ang daloy ng ating ekonomiya.

maikling talumpati tungkol sa ating ekonomiya ipaliwanag


Iba Pang Talumpati

LGBTQ

Banderang Bahaghari by: Talumpati.info Sa henerasyon ngayon, laganap ang salitang “LGBT” sa mga usap-usapan at kontrobersiya. Ito ay pinag-uusapan sa…

Leave a Comment