Talumpati Tungkol Sa Kapayapaan

Kapayapaan: Isang Imahinasyon?

by: Talumpati.info

Bawat bansa sa mundo ay mayroong batas at panukala para sa kapayapaan. Lahat naman yata ng lugar sa daigdig ay pangarap na maging mapayapa at maayos ang kanilang kapaligiran. Ngunit ang kapayapaan, tila imahinasyon na lang ngayon dahil napakahirap makamit nito.

Unang kalaban ng bawat nasyon sa pagkamit ng kapayapaan ay ang kriminalidad. Mayroong mga tao na kahit mayroong mga batas ay nagagawa pa ring gumawa ng masama na nagiging sanhi ng magulong komunidad.

Kasama sa mga ito ang panlalamang sa kapuwa, pagkalulong sa masamang bisyo, pang-aabuso, pagnanakaw, at maging ang pagkitil na rin.

Laging iniisip ng karamihan ang kanilang kapakanan na nagiging sanhi ng kaliwa’t kanang kaguluhan.

Maliban sa mga bagay na ginagawa ng tao, nariyan din ang mga kalamidad at epidemya na sanhi rin ng mga kaguluhan at rason upang mawala ang kapayapaan ng damdamin ng bawat isa.

Masasabi mang natural ang mga ganitong problema, may pananagutan pa rin ang mga tao kung bakit nagaganap ang mga ito.

Ang hindi pagpapanatiling maayos sa kapaligiran ay ang isa sa mga sanhi ng mga kalamidad at sakit na kumakalat.

Kaya naman ang responsibilidad na magkaroon at mapanatili ang kapayapaan ay nasa ating mga kamay. Hindi dapat iasa lamang sa mga awtoridad ang pagsasaayos ng buhay ng bawat isa. Dapat lahat ay kumilos upang makamit ang inaasam na kapayapaan.


Iba Pang Talumpati

1 thought on “Kapayapaan”

Leave a Comment