Talumpati Tungkol Sa No Homework Policy

Kakaunting Pahinga

by: Talumpati.info

Ang usapin ng hindi pagbibigay ng homework o takdang aralin ay napakahalagang talakayan hindi lamang sa mga mag-aaral bagkus ay sa mga magulang na rin.

Kadalasan, ang mga takdang aralin na ibinibigay ng mga guro ngayon ay hindi lamang mga simpling gawaing pampaaralan.

Mayroong mga homework na kinakailangan ang tulong at gabay ng mga magulang lalo na sa antas ng elementarya.

Para sa akin, ang walong oras na ginugol ng isang bata sa loob ng paaralan ay sapat na para malinang ang kanyang kaalaman at kaisipan sa kaniyang asignatura. Hindi kabawasan sa katalinuhan ng isang mag-aaral ang hindi pagkakaroon ng homework.

Ang hindi pagkakaroon ng takdang aralin ay magandang pambalanse sa buhay ng isang bata. Nagkakaroon ito ng sapat na panahon upang makapagpahinga ang kanyang utak sa mga gawaing pampaaralan. Sa ganitong paraan ay magiging kondisyon ang kanyang utak at hindi siya papasok ng puyat.

ipaliwanag ang no homework weekend sa pilipinas at halimbawaSa aking palagay, bakit hindi natin subukang isakatuparan ito at tignan ang positibong maibibigay nito lalo na sa ating mga mag-aaral.

Ang gawaing pampaaralan ay iwan natin sa paaralan. Ibigay natin ang kalayaan sa pamamagitan ng “No Homework Policy” sa mga bata.

Alalahanin natin na minsan, tayong lahat ay naging bata rin. Alam nating lahat na mga nakakatanda ang hirap na kailangangang daanan upang makakuha ng magandang marka.


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment