Ang ‘Corona’ na Hindi Mo Gugustuhing Makamit
by: Talumpati.info
Mayroong uri ng ‘corona’ na nagdudulot ng takot sa buong mundo. Hindi ito ang uri ng ‘corona’ na gusto mong makamit at dapat mong pangilagan.
Ito ay ang Novel coronavirus (2019-nCoV) na sinasabing nagbunsod sa isang lalawigan sa China. Sa kasalukuyan, mayroon na raw higit 800 na nasasawi sa nasabing virus at nakalabas na mula sa China at nagkaroon na rin ng taong positibo sa virus sa ibang bahagi ng daigdig.
Kung maipuputong sa iyo ang ‘corona’ na ito, magkakaroon ka ng sakit na magpapahina sa iyong katawan. Magkakaroon ng lagnat, ubo, sipon, na kalaunan ay magiging sanhi ng iyong pagkamatay kung mahina ang iyong resistensya.
Upang hindi na lumaganap pa ang nCoV sa iba’t ibang panig ng mundo, ipinatutupad ngayon ng mga bansa ang paghihigpit ng pagpapapasok ng dayuhan sa iba’t ibang bansa katulad ng pansamantalang pagpapahinto ng mga biyahe sa eroplano patungo at mula sa China.
Gayunman, sa kabila ng nangyayaring epidemya, pinananawagan ng mga awtoridad na hindi kailangang lubusang mangamba patungkol sa nasabing sakit.
Hinihikayat ng pamahalaan na palakasin ang katawan upang hindi agad dapuan ng anumang sakit lalo na ang coronavirus.
Ang ‘corona’ na ito ay binuksan ang isip ng bawat isa sa kahalagahan ng pag-iingat ng sarili at pagpapalakas ng kalusugan.
Hello, good day! I would like to use this speech for our assignment. Unfortunately, I do not have the author’s identity or name. Is there a way to get the author’s name? It is probably you right? The owner of this page
Hello, kindly use Talumpati.info as we operate as a collective. If you must use a name, you can use Juan dela Cruz. 🙂
I would like to ask for the permission of the author if can I use this speech for my Weekly Learning Activity Sheet about Talumpati? I hope it is ok? For my students.
Hello, Flore Mae
Yes po, you may use it for your Activity Sheets. Kindly credit talumpati.info if possible. We would appreciate it very much. Thank you 🙂