Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

Lahat ng tao ay naghahanap ng taong magmamahal sakanila. Balang-araw mahahanap mo din ang taong magpapatibok ng iyong ulilang puso. Ayiiii~

Sana ay magustuhan po ninyo ang aming mga inihandog sa inyo na talumpati.

Kabiyak Ng Puso

by: Talumpati.info

Kapag ang iyong puso ay puno ng pag-ibig, tiyak na kapayapaan at kasiyahan ang sa iyong buhay ay nanaig. Ayon sa pagsasaliksik, ang pag-iibig ay maraming pag-uuri. Nandiyan ang pagmamahal sa pamilya, sa kaibigan, sa kapwa-tao, sa bansa, sa dakilang lumikha at sa iniirog.

Napakalawak at napakarami ang kahulugan ng salitang pag-ibig, pero ang pinakasimpleng kahulugan nito ay ang damdamin ng puso. Sa lahat ng klase ng pag-ibig, pinaniniwalaan nag ang pinakabusilak ay ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Walang bagay na hindi gagawin ng isang nanay para sa kanyang minamahal na anak. Pag-ibig ni nanay na pinakadakila sa lahat at masuwerte ka kung ito ay ipinadadama sa iyo ng iyong nanay.

Dumako naman tayo sa pagpapahayag ng pagmamahal. Bagamat narining niyo na ang mga katagang “O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat makuha ka lamang.”

Ito ang mga katagang sumasalamin sa mga bugso ng damdamin ng mga taong umiibig sa kanilang mga sinisinta noong mga makalumang panahon.

Sa panahon ngayon ng mga makabagong milenyal, kung gaano kabilis nagkakakilala ang mga magsing-irog ay ganun rin sila kabilis naghihiwalay.


Minsan ay nawawala na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi na ito sinasabi ng personal na may kasamang emosyon, bagkus ay sa pamamagitan na lang ng “text” sa cellphone ito sinasabi.

Pansin niyo ba kung papaano nagbago at tila unti-unti ng nawawala ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig sa panahon ngayon?

Bagamat madalas natin siyang naririnig, ang bugso ng emosyon ng wikang ito ay tanging sa salita na lamang at wala na sa puso. Masakit man isipin pero ito ang tunay na katotohanan. Halimbawa na lang ay ang mga nakaupo sa ating lipunan.

maikling halimbawa ng talumpati tungkol sa pagibig tagalogKaramihan ay mapagmahal lamang sa kanilang mga sarili. Ang pag-ibig na alam nila ay pag-ibig sa pera at kapangyarihan. Mga uri ng pag-ibig na sakim at ganid.

Sana, ang pag-ibig na ipinadarama natin ay higit pa sa salitang pag-ibig na binibigkas lamang ng ating mga bibig. Sana ay huwag tayong makakalimot na panatilihin kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Walang Katumbas, Walang Kapalit

by: Talumpati.info

Sabi nila, ang tunay na pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit. Ganito rin ang aking paniniwala.

Kapag tumibok ang iyong puso, dapat mo itong sundin, may nakukuha ka mang pagmamahal o wala.


Minsan ka lamang mabubuhay, at masarap na ilabas ang tunay na nararamdaman ng iyong puso. Hindi naman kapag sinabing pag-ibig, lagi ka dapat may nakukuhang para sa iyo.

Kung minsan, hindi talaga natin makukuha ang pagmamahal na ibinibigay natin sa mga espesyal sa atin dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman nila para sa atin.

Pero hindi ito dahilan upang hindi natin isigaw ang laman ng ating puso. Kahit gaano man kalaki o kaliit ang pag-ibig na nakukuha mo, dapat mong ipalaganap ang pagmamahal na nasa loob ng iyong puso.

mahabang halimbawa ng mga talumpati na tungkol sa ating ini-ibig


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment