Talumpati Tungkol Sa Pamilya

Lahat ng ambisyon at pangarap natin sa buhay ay nagmumula sa ating pamilya. Sa ating magulang na palaging handa sumuporta at sa ating mga kapatid na ating mga kasangga lalo na pag sa ML :))

Sana ay magustuhan po ninyo ang aming mga inihandog sa inyo na talumpati.

Sandalan

by: Talumpati.info

Mayroong kasabihan na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig o sa ingles ay blood is thicker than water. Simula sa pagkamulat ng ating musmos na kaisipan, pamilya natin ang mga nasa tabi natin.

Andiyan sina tatay, nanay, kuya, ate at si bunso. Kahit na salat tayo sa buhay kung kumpleto, malusog, at masaya ang ating pamilya ay masasabi natin na bukod na tayong pinagpala.

Ang buhay ng isang pamilya ay sadyang puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung minsan ay nagpapatumba sa atin at nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng ating mag-anak.

Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan, kahit na sabihin pa nating iisang dugo lang ang nanalaytay ating mga ugat. Ngunit kahit ano pa man ang mangyari, sa oras ng kagipitan ay hinding-hindi natin matitiis ang tumulong sa ating mga kapamilya.

Sa bawat tagumpay na ating narating o natamasa sa ating buhay, hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan kung wala sa tabi mo ang iyong pamilya.


Mga pamilyang nagbibigay ng inspirasyon upang tayo ay magpunyagi at lumaban para makamit ang tagumpay na minimithi. Palaging may kulang sa ating pagkatao kung wala ang mga pamilya mo sa tabi mo.

Iba ang kasiyahang hatid ng mayroong pamilya na alam mo na aalalay sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Masarap magkaroon ng mga taong alam mo na magmamahal at iintindi sa iyo ng walang hinihintay na anumang kapalit.

Higit sa lahat, masaya ang magkaroon ng mga taong alam mo na kahit ano pa ang mga pinagdaanan ninyo na hindi maganda noon ay sila pa rin ang iyong magiging huling kanlungan.

Mahalin natin at bigyang halaga ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga magulang. Dapat pagtanda nila ay ipadama natin sa kanila ang kalinga na ibinigay nila sa atin noong tayo ay mga bata pa. Sa unti-unnting pagkaubos ng kanilang mga lakas, akayin natin sila gaya ng pag-akay nila sa atin mula pa sa unang paghakbang natin.

Talasalitaan

  1. Matimbang – mabigat
  2. Musmos – bata, paslit, sanggol
  3. Salat – mahirap
  4. Akayin – alalayan
  5. Tagumpay – panalo

Regalo ng Maykapal

by: Talumpati.info

Maraming biyaya akong gustong makamit at hinihiling gabi-gabi sa aking mga panalangin. Ngunit hindi ko batid na sa lahat ng mga materyal na bagay na gusto ko, nakamit ko na pala ang pinakamalaking biyaya mula sa Maykapal.

Isang uri ng biyaya na kailanman ay hindi mo na mahahanap pa sa iba. Isang uri ng biyaya na tanging isang beses mo lang makakamit at wala nang kapalit.


Ang aking pamilya ang tinutukoy kong malaking biyaya. Biyaya ito dahil dapat kong ipagpasalamat ang kanilang presenya. Dapat kong ipagpasalamat sa Diyos na dahil sa pamilya ko ay nalalaman ko ang aking tunay na halaga.

Dahil sa aking ama, ina, mga kapatid, pati na rin ibang kadugo, ay nababatid kong ako ay mahalaga at isang nilalang na dapat mahalin.

Biyaya rin ang aking pamilya dahil sila ang pinakamatibay kong sandalan anuman ang pagdaanan ko sa buhay.

Mabigo man ako sa aking tinatahak na landas, isang tagumpay pa rin para sa kanila ang makapiling ako at magkaroon ng isang ako sa kanilang mga buhay.

mahabang talumpati tungkol sa pamilya at kahalagahanPagpapala ang magkaroon ng isang pamilya. Sa mundong maraming mapanghusga, hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga taong nakikita ang iyong kalakasan kahit nanghihina ka na.

Isang pagpapala ang magkaroon ng mga taong mabuti ang tingin sa iyo kahit na batid mong minsan ay hindi ka naman busilak ang iyong puso.

Regalo ng Maykapal ang aking pamilya.

Nag-iisang Sila

by: Talumpati.info

Sila ang aking nag-iisa. Nag-iisa dahil wala silang katulad. Nag-iisa dahil alam kong hindi na ako makahahanap ng katulad nila. Sila ang ipinadala sa akin ng Maykapal para naman maramdaman kong may nagmamahal sa akin. Sila ang nagsisilbing ebidensya na ako ay isang yamang karapat-dapat ingatan.

Ito ang aking pamilya. Sila ang aking nag-iisang sila. Pinahahalagahan ko sila katulad ng isang diyamanteng mamahalin. Ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga ay walang kapantay.


Ang kanilang pagpapahalaga sa akin ay isang sapat nang testamentong ako ay likha ng Diyos at mayroong sariling saysay.

Sa pamilya mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal. At balang araw, kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya, alam kong ang pag-ibig na ibibigay ko ay katulad ng pagmamahal na nakuha ko sa aking nag-iisang sila.

halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pamilya tagalog


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment