Talumpati Tungkol Sa Rice Tariffication Law

Bawat Isang Butil

by: Talumpati.info

Ang Rice Tariffication Law ay isang batas na nagbibigay ng kalayaan sa mga pribadong grupo ng mga negosyante upang umangkat ng mga imported na bigas.

Ang polisiya na ito ay alinsunod na rin sa nilagdaang kasunduan ng Pilipinas bilang isang kasaping bansa ng World Trade Organization.

Dumami ang supply ng bigas sa ating bansa at bahagyang bumaba ang presyo nito sa merkado. Naging pabor ito sa kalagayan ng mga ordinaryong mamimili ngunit dagok naman sa parte ng mga magsasakang Pilipino.

Sa napipintong panahon ng anihan ay labis ang pangamba ng mga magsasaka dahil sa bagsak na presyo ng palay.

Nagbigay na ng ayuda ang Kagawaran ng Agrikultura ngunit ito ay hindi sapat upang punan ang lugi ng mga pobreng magsasaka.

Gustuhin man o hindi ay hindi na natin maiwawasan ang Rice Tariffication Law, ngunit sana man lamang ay mabigyan pansin ng pamahalaan ang nakapanlulumong kalagayan ng mga magsasaka. Bigyan sana sila ng mga pangmatagalang solusyon at huwag mga panawid lunas lamang.

maikling mahaba na talumpati tungkol sa rice tariffication law ng pinas in tagalogBigyan din sana ng sapat at nararapat na tulong ang mga magsasaka upang hindi lamang maibsan ang kanilang hirap bagkus ay umunlad ang sektor ng agrikultura sa ating bansa.

Huwag sanang hayaan ng pamahalaan na ang mag taong taong nagtatanim ng ating mga makakain ay mismong mamatay sa gutom sa kakulangan ng makakain.


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment