Isang Grupo
by: Talumpati.info
Nilalang ng Diyos ang tao na mayroong pantay-pantay na karapatan nang walang pinipili o kinikilingan na kasarian, lahi at estado sa buhay.
Mula sa paggamit ng mga palikuran at sa paghahanap ng trabaho sa mga kompanya ay talamak ang diskriminasyon lalo na sa mga grupo ng LGBTQ+, sa ating lipunan. Madalas ay kinukutya sila at nagiging tampulan ng tukso ng mga taong mapanghusga.
Dahil sa mga isyung ito, ang ating pamahalaan ay gumawa ng mga batas upang maprotektahan ang karapatan ng mga tao na kabilang sa grupo ng mga LGBTQ+.
Hangarin ng mga mambabatas na mabigyan ng patas na karapatan ang mga ito sa lahat ng aspeto ng ating lipunan.
Sa pananaw ng isang karaniwang mamamayang tulad ko ay bakit kailangan pa natin magkaroon ng isang batas para ibigay ang nararapat na paggalang sa isang grupo ng tao.
Walang kuwenta ang mga naipapasang batas kung salat sa kaalaman at pang-unawa ang mga tao sa lipunan.
Dahil sa makabagong panahon at sa likas na pagdami na miyembro ng mga LGBTQ+, mainam na isama sa asignatura ng mga mag-aaal kung paano bigyan ng respeto at paggalang ang sensitibong kalagayan ng mga tomboy at bakla.
Sila rin ay mga tao tulad natin. Mayroon din silang damdamin at mga karapat na kailangan nating kilalanin.