Talumpati Tungkol Sa Wika

Nakaukit Sa Balat

by: Talumpati.info

Ang wika ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Ito ay isang napakaimportanteng parte ng ating buhay. Noon pa man bago dumating ang mga iba’t-ibang lahi na sumakop sa ating bansa ay sadyang mayaman na ang ating wikang kinagisnan.

Bilang isang bansa na binubuo ng maraming mga kapuluan, tayo rin ay mayroong samu’t-saring mga dayalekto at linggwaheng ginagamit.

Ito ang mga salitang sumisimbolo at nagbibigay ng tatak sa ating mga pagkakakilanlan sa kung saang lipi at lahi tayo nabibilang.

Marami man kung ating bilangin ang uri ng ating mga wika, ngunit sa kalaunan ay nagbubuklod-buklod pa rin tayo dahil sa pagkakaroon ng isang sariling wikang Pambansa – ang wikang Pilipino.

Napakahalaga ng wika sa ating pamumuhay. Sa pamamagitan ng wika ay nahuhubog at nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal. Wika ang ating gamit upang ating maipahayag ang ating mga saloobin.

Maging sa anumang uri ng medya, dyaryo, radio, telebisyon, o ng internet, wika rin ang ating malakas na sandata para maihatid ang anumang uri ng mga balita o mensahe sa mga nakararami.

Dahil sa wika, nabasa at natutunan din natin ang mga bagay mula pa sa ating mga dakilang ninuno.

Bukod pa rito ay natutunan natin ang mga turo ng Diyos dahil sa paglimbag ng bibliya sa iba’t-ibang linggwahe. Tunay nga na tulay at sandata ang wika para sa sangkatauhan.

maikling talumpati na tungkol sa wika natin tagalogNgunit, marapat lamang na tayo ay maging mapanuri at maingat tayo sa pagpili ng mga salita na ating ginagamit at gagamitin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya tayong pagbuklodin ng ating wika.

Ang maling paggamit ng wika ay nakakalikha rin ng kalituhan at minsan ay hindi pagkakaunawaan sa mga tao.

Sa ating pagssalita at pabibigay ng mga kuro-kuro lalo na sa mga pampublikong lugar, dapat ay laging mahinahaon tayo at maingat sa ating mga wikang ginagamit.

Lagi nating isapuso at huwag kakalimutan ang tunay na kahalagahan ng wika, ang pagbibigay ng pagkakaunawaan at pagkakaisa.

mga halimbawa ng talumpati tungkol sa ating wika


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment