Hindi biro maging mahirap. Isa ako doon. Hindi ako pinanganak na mayaman. Kami ng aking pamilya ay bahagi sa napakalaking bahagi ng lubog sa utang sa ating bansa.
Ang aking magulang ay halos lumuhod na sa amin mga kamaganak upang meron lang kaming kainin ngayong buwan. Hindi naman din kasalanan ni tatay dahil matanda na siya at napakaraming mas bata sakanya na handang magtrabago 24-oras para lang mabuhay.
Si nanay naman ay abala sa pagpapalaki sa amin. Anim kaming magkakapatid. Tinatanong mo ba sakin kung bakit napakarami namin? Pwes itanong mo sa tatay kong magaling.
Musmos pa lamang ako ay nakikita ko na silang naghihirap. Birthday ko nga tuyo lang ulam eh. Pero hindi naman ako nagrereklamo kasi basta mayroong sili at suka ay solb na ako.
Si Martha, ang aking kakambal ay matalino. Palaging pinakamataas sa klase ang kanyang nakukuhang mga score sa quiz. Minsan nga ay naiinggit din ako dahil hindi ako ganun katalino. Pero may sinabi din.
Sa sports ako nangunguna. Kasama nga ako sa City Meet namin eh. Ping-pong ang laro ko. Mas magaling pa ako sa intsik maglaro. Halos malunod na nga yung magulang ko sa medal sa bahay eh. Nag joke nga si nanay, sabi nya kung pwede lang natin ibenta itong mga medals mo edi sana hindi tayo mga hampaslupa.
Medyo na-offend ako doon. Pero sa lahat naman ng bagay ay naooffend ako so oks lang.
Ako ay nasa Grade 10 na, araw-araw mayroon akong itinatabi na 20 pesos para sa aking sariling ipon. 3 taon ko na itong ginagawa, pero di ko padin mabili yung sapatos na gusto ko. Sa totoo nga eh meron nang bagong model na nilabas. Pero andito ako, naka tsinelas lang.
Pero ok lang yun, kelangan ko lang makahanap ng mayaman na walang kaibigan, ganun ginawa ng mga pinsan ko eh, laway lang ang puhunan, naghanap sila ng mga mayaman na mauuto. Ayun, nasa Amerika na. Galing diba? Kala mo kung sino na kung umasta.
Anyway, wala silang respetongmakukuha sakin. Hindi ako bilib sa mga ganyang galawan.