Bata, Paano Ka Ginawa?
by: Talumpati.info
Bilang isang Kristiyano at konserbatibong bansa, sagrado at mabigat ang usapin tungkol sa abortion. Kadalasan ay nagdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan at matinding kalituhan sa mga namumuno sa simbahan at sa pamahalaan. Hati ang opinyon ng mga mamamayan sa usaping ito hanggang ngayon.
Kung ating titignan mabuti, dumarami na ang bansa kung saan ligal na ang abortion gaya na lamang ng America, Canada, Tsina at mga bansa sa Europa.
Mayroon din mga bansa kung saan pwedeng magpalaglag nang kanyang pinagbubuntis ang isang ina lalo na kapag siya ay malalang karamdaman.
Sa Pilipinas, bawal at iligal ito. Ang sinumang mahuli sa salang abortion o pagtulong sa isang pasyente upang maglaglag ang kaniyang anak ay maaaring makulong at magbayad nang malaking multa sa korte.
Gayunman, isa ang ating bansa sa mga may pinakamalaking bilang nang nagpalalaglag. Napakarami ring mga kababaihan na nagpapa-abort nang kanilang dinadala ang namamatay dahil sa komplikasyon tulad nang infection at pagdudugo.
Ang bawat kuwento ng abortion na nangyayari sa ating kapaligiran ay mayroong kubling pasanin na tanging ang mga biktima at gumagawa lamang ang nakakaalam.
Mayroon silang sariling desisyon at dahilan kung bakit sila humahantong sa abortion, marahil ito ang pinakamarapat at dapat nilang gawin.
Sa batas ng tao at sa mata ng Diyos ang abortion ay bawal. Ngunit sa kabila nito ay kanya-kanya pa rin tayo ng mga pananaw at opinyon sa usaping ito.
Sa mga kontra dito ay igalang natin ang kanilang mga sentimento at sa mga pabor naman ay respetuhin din natin ang kanilang mga paniniwala.