Talumpati Tungkol Sa Droga

Walang Kinabukasan

by: Talumpati.info

Minsan, kaakibat ng pag-unlad ng isang lipunan ang pagtaas ng datus ng mga krimen na kanilang kinakasangkutan, isa na rito ay ang paglala ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng maraming hindi kanais-nais na epekto lalo na sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao.

Walang pinipili ang mga nagiging biktima ng droga – mayaman, mahirap, bata matanda, ang lahat ay napapariwara.

Marami ang itinuturong dahil kung bakit marami ang nalulong sa pinagbabawal na droga. Kahirapan ang isa na rito.

Dahil sa labis na kahirapan sa buhay ay ginagawa na nila itong paraan para pansamantalang makalimutan nila ang kanilang mga suliranin.

Ang mga iba naman ay ginagawa na nilang hanap-buhay ang pagtitinda ng bawal na droga.

Kahit ang kanilang mga asawang iniibig ang kanilang napagbubuhatan ng kamay kapag wala na sila sa tamang pag-iisip.

Ang pinakamasaklap pa sa ating lipunan ay kabataan ang karamihan sa mga nasasangkot at nabibiktima sa bawal na droga. Marami na ang mga namatay at marami na rin ang mga nakulong, pero wala pa ring pagbabago.

Talamak pa rin ito sa ating lipunan. Mistulang kanser na ito sa ating lipunan.
Karamihan sa mga karumal-dumal na krimen na naitatala ay nag-uugat sa pagtutulak or paggamit ng droga. Lulong at bangag ang karamihan sa mga salarin.

maikling talumpati na tungkol sa droga mahabang example at kahuluganSa kasawiang palad, kahit pa nakukulong ang mga salarin ay hindi pa rin tuluyang nakakamit ng mga biktima ang kanilang pamilya ang totoong hustisya. Ito ay sa dahil ang mga buhay at kinabuksan na nasira ng mga adik na kailanman ay hindi na maibabalik pa.

Ang suliranin sa bawal na droga ay hindi lamang isang ordinaryong pambansang suliranin. Ito ay suliranin nating lahat dahil hindi posibleng isang araw ay maging biktima rin tayo ng mga adik sa ating lipunan.

Bilang isang mapagmalasakit na mamamayan umpisahan natin ang pagtuturo at pagbabatid sa ating mga pamilya at mga kamag-anak ang mga kasamaan na idinudulot ng paggamit ng bawal na gamot.

Maging alerto tayo lagi at huwag matakot magsuplong sa kinauukulan kung kinakailangan.

mga halimbawa ng talumpati tungkol sa droga tagalog


Iba Pang Talumpati

Leave a Comment