Balat Sibuyas
by: Talumpati.info
Ang diskriminasyon ay walang pinipiling kasarian at edad, lahat tayo ay puwedeng maging biktima ng diskriminasyon.
Sa araw-araw na pakikibaka sa buhay ay nakakaranas tayo ng iba’t-ibang uri ng diskriminasyon.
Maging sa paghahanap ng mapapasukang trabaho, kawawa ang mga matatanda dahil hindi na sila nabibigyan ng pagkakataon na makapaghanap-buhay.
Ganun din sa mga mababa o mga walang pinag aralang tao na madalas naisasantabi at kadalasan napag-iiwanan lagi.
Sa mga patimpalak ng pagandahan, namumukod tangi lagi ang mga mapuputi at matatangkad. Kadalasan ang mga katangian ito ang basehan ng kagandahan ng napakaraming mga kritiko.
Mas sikat at sadyang mas katanggap-tanggap din sa mga alta-sosiyudad kapag ang isang tao ay inglesira kumpara sa mga matatas magsalita ng Filipino.
Ang mga ganitong uri ng diskriminasyon ay huwag nating hayaang mamayani sa ating lipunan. Labanan natin ito.
Gamitin natin ang ating mga sariling kahinaan upang maging isang positibo at matibay na sandata sa diskriminasyon. Ipakita natin sa iba na mayroon tayong natatanging katangian.
Walang tao na magiging biktima ng diskriminasyon kung hindi natin ito papapyagan na mangyayari. Lahat tayo ay nilalang ng Maykapal na mayroong sariling katangian na angat at naiiba sa lahat.
Matuto lamang tayo na pangalalagahan at linangin ito para sa ating sariling kabutihan. Higit sa lahat, dapat nating pairalin ang pagmamahal at pagbibigay galang sa bawat isa.